Panunuring Pangpanitikan ng Akdang Sanaysay na ANG IYONG SARILI 




 
     I. PANIMULA:
            Ang akdang sanaysay na "ANG IYONG SARILI ay isinulat ni RAQUEL BUBAN. Isinulat niya ito upang ipabatid sa mga mambabasa na taglay ng katauhan ang buti"t sama, at nasa sarili na ang pagpapasya bilang nilkha.
    II.PANUNURING PANGNILALAMAN:
            ITO AY TUMATALAKAY SA MGA SUMUSUNOD:
       A. PAKSA:
             Ang paksa sa akdang sanaysay na "ANG IYONG SARILI" ay kung ano ang paraan ng paglaki ng isang tao o ang kanyang kinasanayan ay magiging paraan na magdadala sa kanya  hanggang sa kanyang pagtanda.
      B.SIMBOLISMO:
          1.SIMBOLISMO NG BAGAY NA BINANGGIT SA AKDA:
              Sa akdang sanaysay na 'ANG IYONG SARILI" ang bagay na sumisimbolo ay PAGKATALO, dahil ito ay sumisimbolo sa ating sarili na tila isang talunan dahil hindi natin mapakawalan ang ating paguugali na ating kinalakihan.
          2.SIMBOLISMO NG NABANGGIT NA TAUHAN/KARAKTER SA KWENTO:
                Sa akdang sanaysay na "ANG IYONG SARILI" ang tauhan na sumisimbolo ay ang pag-uugali ng tao dahil ito ay sumisimbolo sa paraan ng paglaki ng tao.
       C.URI:
                Ang akdang sanaysay na "ANG IYONG SARILI" ay masasabing nasa uring pormal dahil ito ay ginagamitan ng matalinhagang salita at maaanyong pangungusap gaya ng isang ito, sa lahat ng NILIKHA NG DIYOS, ang tao ang sya lamang maaaring maging mabuti o mag pakamasama
       D. MAGANDANG PAHAYAG:
                 Sa akdang sanaysay na "ANG IYONG SARILI" ang katagang, taglay ng katauhan ang buti't sama sa iyo ang pasya bilang nilikha, ang katagang  iyan ay ilan lamang sa napakarami na maganda na sa pandinig may mapupulot pang aral.
   III. PANUNURING PANGPANITIKAN:
            ITO AY TUMATALAKAY SA MGA SS.
       A. MGA PAHIWATIG AT KAHULUGAN NITO:
             Sa sanaysay na "ANG PAGKATAO" ang salitang nagpapahiwatig ay kasalanan, dahil ito ay nagpapahiwatig na ang lahat ng taong sinilang sa mundo ay may kasalanan ngunit lahat ay maaaring magbago, dahil maski ang mga alagad ng Diyos ay may kasalanan ngunit sila ay nagbago at nagpawalang sala.
      B.MGA ARAL AT IMPLIKASYON:
            Sa akdang sanaysay na "ANG PAGKATAO" ang aral na maaaring matutunan ay malaki o mabigat man ang iyong kasalanan maari ka paring mabago kung iyong gugustuhin.
      C. KALAKASAN AT KAHINAAN NG PAGSULAT:
             Ang sanaysay na ito ay masasabing maganda at naipalabas ng manunulat ang kanyang nais sabihin tungkol sa kanyang pinapaksa.



Leave a Reply.