Panunuring Pampanitikan sa akdang PAGPAPAHALAGA SA ATING KASARINLAN
I.Panimula
Ang akdang PAGPAPAHALAGA SA ATING KASARINLAN ay isinulat ni mercedes ceniza .Isinulat ito upang malaman ng mga pilipino kung gaano natin pagmamalaki ang kasarinlan ng ating bansa
II.Pagsusuring Pangpanitikan
A.Tema o Paksa
Ang paksa/tema ng akdang pagpapahalaga sa ating kasarinlan ay tungkol sa mga pilipinong lumilisansa ating bansa at di pinapahalagahan ang ating kayamanan upang maghanap ng higit na magbibigay na ligaya sa kanila sa ibang bansa.
B.Simbolismo
1. simbolismo ng bagay
Ang akdang 'pagpapahalaga sa ating kasarinlan ay sumisimbolo sa bandila ng ating bansa dahil dapat nating ipagmalaki ang ating mga tanawin at huwag nang maghanap ng kasiyahan sa ibang karatig bansa natin \ 2
C.Uri
ang akdang ito ay masasabing PORMAL''pagpapahalaga sa ating kasarinlan '' dahil nagbibigay ito ng masusing pagsasaliksik patungkol sa mga taong mas nasisiyahan sa mga tanawin sa ibang bansa
D.Magandang Pagpapahayag
Sa akdang ''pagpapahalaga sa ating kasarinlan ''ang magandang pahayag dito ay bilang pilipino aking pahahalagahan ang ating sariling ayamanan at ang ating kasarinlan
III.Pagsusuring Pangkaisipan
A.Mga pahiwatig at mga kahulugan nito
Ang mga pahiwatig at mga kahulugan nito sa akdang ''pagpapahalaga sa ating kasarinlan''ay marami ng Pilipinong nakapagbalik-bayan marahil, daanlibo na ang nakabalik sa sariling bayan pagkatapos ng maraming taong pagtira sa ibang bansa. Bagamat marami parin ang umaalis upang maghanap ng higit na kaligayahan sa ibang bansa.
B.Mga aral at implikasyon
Ang aral na nakuha ko sa akdang ''pagpapahalaga sa ating kasarinlan ''ay di dahil maganda lang sa ibang-bansa ay lagi ka na doon pupunta dapat ay kilalanin mo muna ang iyong bansa dahil baka sa oras pa lamang na iyon mo malaman na higit na maganda ang Pilipinas kaysa sa ibang bansa ng tinatangkilik mo.
C.Kalakasan at Kahinaan sa pagkasulat
Ang kalakasan sa akdang ''pagpapahalaga sa ating kasarinlan ''dapat ay lubos ang ating pagmamalaki sa karktan ng ating bansa,at ang kahinaan naman dito ay ang ibang Pilipino ay laging pumupunta sa ibang bansa upang maghanap ng higit na kaligayahan.