KASIYAHAN

 
 I.PANIMULA: AAng akdang kasiyahan ay isinulat ni CEMILIA CRUZ isinulat niya ito upang ipaalam sa mga mambabasa kung ano ang kahalagahan ng pagngiti sa ating buhay at sa mga taong nasa ating kapaligiran.
II.PAGSUSURING PANGNILALAMAN:
        A. PAKSA:
              Ang paksa ng akdang ang kasiyahan ay tungkol sa mga taong nagagawa paring ngumiti sa kabila ng kanilang mga pangyayaring bumubulantang sa kanilang pagkatao.
        B.SIMBOLISMO:
             1.SIMBOLISMO NG NABANGGIT NA BAGAY SA AKDA:
                     Ang bagay na sumisimbolo sa akdang kasiyahan ay ang bayan na sumisimbolo sa kaligayahan dahil ito ay nangangahulugan na kapag ang bawat kasapi ng pamilya sa isang tahanan ay pawang masaya ito ay nangangahulugang ang pamilyang iyon ay puspso ng pagmamahalan.
            2.SIMBOLISMO NG NABANGGIT NA TAUHAN O KARAKTER SA AKDA:
                    Ang tauhan na sumisimbolo sa akdang ang kasiyahan ay ang  batang musmos dahil bawat ligaya  ng ng batang musmos ay isang milyong kaligayahan sa kanyang mga magulang, ito ay nangangahulugan na ang bawat bata ay syang resulta ng bawat pagmamahala ng isang magulang.
       C.URI:
           Ang sanaysay na ito ay masasabing nasa uring pormal dahil ito ay ginamitan ng mga matatalinhagang  salita at maaanyong pangungusap na maari mong mabasa sa sanaysay na ito.
       D. MAGANDANG PAHAYAG:
              Ang katagang ang kasiyahan ay ang pinakamurang gamot sa problema ng isang tao, ang katagang ito ay ang syang magiiwan sa iyong isipan ng linaw , dahil ito ay nangangahulugan na ang mga problema  ay hindi man maiwanan o malimutan  maari mo naman itong ngitian o tawanan na lang.
 III.PAGSUSURING PANGKAISIPAN:
        A. MGA PAHIWATIG AT KAHULUGAN NITO:
              Ang kasiyahan ay isang hiyas na hindi nahiiram, hindinauutang, hindi nabibili at higit sa lahat hindi nanakaw  at ang pangkatauhang taglay na ito ay kailan man hindi magpapasama sa iyong buhay at lubos na makakatulong  pa it sa iyong pamumuhay.
       B.MGA ARAL AT IMPLIKASYON:
               Ang aral na iyong maaring matutunan sa akdang ito ay anuman ang problema ay kayang malutas ng magisa samahan lamang ito ng tiyaga at lagi lamang itong tawanan o ngitian man lang.
       C.KAL;AKASAN AT KAHINAAN NG PAGSULAT:
                  Ang sanaysay na ito ay masasabing maganda at makabuluhan at maraming aral ang maaring mapulot tulad nang ang problema ay maaring malutas sa tulong ng kasiyahan  iyo ay isang sanaysay na kahangahanga ang may akda masasabi mo ito kapag binasa 



Leave a Reply.